Dumating sa bansa ang pamosong basketball trainer, motivational speaker at NBA skills coach na si Ganon Baker.

Nakatakdang ibahagi ni Baker ang kaalaman sa gaganaping Ganon Baker Basketball Camp na inorganisa ni basketball fanatics Eric Banes.

Sumikat si Baker bilang skills coach ng pamosong NBA player tulad nina Kobe Bryant, LeBron James, Amar’e Stoudemire, Chris Paul, Deron Williams, Kyrie Irving, Kevin Durant at Vince Carter.

Binuo niya ang Elev8, isang eskelahan sa basketball, para maturuan ang mga kabataan at nangangarap na maging coach.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Magsisilbing assistant coach ni Baker sina dating collegiate star Mon Jose at Aris Dimaunahan.

“This is a rare opportunity for coaches and players to take advantage of because people spend thousands of dollars to go to Florida to learn these basketball lessons from the master himself. Now they can save on travel expenses, board and lodging and other incidentals because he is coming to Manila. Training with Ganon Baker dramatically changes player performance and coaching approaches,” pahayag ni Bañes.

Gaganapin ang Ganon Baker Camp sa Ronac Center sa Ortigas Avenue, San Juan City mula Mayo 16 hanggang 20, ganap na ala-1 ng hapon hanggang alas-4.

Libreng makapapanood ng pagtuturo ang mga lokal coach, kailangan lamang silang magparehistor sa [email protected] o makipag-ugnayan sa 0917- 809-0067.