PORTLAND (AP) – Sa pagbabalik sa kanilang tahanan, tinangka ng Portland at Charlotte na makapanalo sa harap ng home crowd.

Ngayon, target nilang maipanalo ang serye.

Matapos maitarak ang tatlong sunod na panalo, puntirya ng Trail Blazers at Hornets na tapusin ang kani-kanilang serye sa pagpalo ng Game 6, Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila).

Magilas ang batang koponan ng Portland na sasabak laban sa inalat na Los Angeles Clippers. Tatangkain naman ng Charlotte na tapusin na ang Miami para makausad sa semi-final round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tulad nila, kumakatok sa kasaysayan ang Toronto Raptors na sasabak sa krusyal na laro – sa road game -- kontra Indiana Pacers.

Puntirya ng Blazers at Hornets ang panalo para makasama sa maiksing listahan ng mga koponan na nagwagi sa seven-game series mula sa 0-2 pagkakabaon.

Abot-kamay na rin ng Raptors ang tagumpay may dalawang taon na ang nakalilipas matapos makuha ang 3-2 bentahe laban sa Brooklyn Nets.

“You’ve got to treat this like Game 7. You’ve got to come out fighting,” pahayag ni Raptors coach Dwane Casey.

“We know their backs are against the wall. We can’t go and get ambushed. We’ve got to go in with our high beams on, laser-like focus from the start of the game to the end of the game.”