Bubuo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng election monitoring center sa Camp Aguinaldo para makatanggap ng real time reports sa darating na halalan sa buong bansa.

Ang monitoring center ay pamumunuan ng AFP at Philippine National Police (PNP) contingents sa pangangasiwa ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay AFP-Public Affair Office (AFP-PAO) chief Col. Noel Detoyato, 24-oras ang operasyon ng nasabing monitoring center.

Binanggit pa ni Detoyato na kunektado ang nasabing monitoring center sa mga unified commmands at maging sa mga police unit sa buong bansa.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Sabi pa ng hepe ng PAO, aktibong imo-monitor ng AFP at PNP ang seguridad sa mismong araw ng halalan.

Samantala, isinagawa kahapon ang absentee voting para sa mga sundalo na ginanap sa grandstand ng Kampo Aguinaldo.

Nagsimula ang botohan dakong 8:00 umaga at libu-libong sundalo ang nakiisa sa pagboto. (Fer Taboy)