Nangibabaw ang reigning collegiate champion Letran, habang nanatiling malinis ang karta ng Far Eastern University sa pagpapatuloy ng elimination round sa 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament kamakailan sa Arellano Univ ersity gym sa Legarda, Manila.

Ginapi ng Letran-A Knights, pinangangasiwaan ni coach Jeff Napa, ang San Sebastian Stags, 90-78, para makopo ang solong pangunguna sa senior division Group B.

Nanguna si Rey Nambatac sa Letran sa naiskor na 20 puntos, habang kumana sina John Paul Calvo at Jerick Balanza ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa junior action, ratsada si LJ Gonzales sa naiskor na 25 puntos para gabayan ang Baby Tams laban sa La Salle-Greenhills-A, 86-66. Tangan ng Baby Tams ang panalo sa tatlong laro sa Group A.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang laro, nagwagi ang Mapua Cardinals, sa pangunguna ni Josh Layug sa naiskor na 15 puntos, bago pinataob ang Letran-B, 87-83, sa Group A.

Nakisosyo ang JRU-A matapos gapiin ang Stags, 87-84. Nanalo ang JRU-B, sa pangunguna ni Tey Teodoro na may 30 puntos, kontra CEU-A, 72-66.

Sa junior matches, pinataob ng JRU ang Sta. Maria of Pampanga, 108-59, habang kinastigo ng LSGH-B ang San Beda-Alabang, 67-62.