Sa usapan, anim na atletang Pinoy ang pasok sa Rio Olympics sa Agosto. Ngunit, sa papel, tanging si table tennis star Ian lariba lamang ang masasabing opisyal na sasabak sa quadrennial meet.

Ayon kay Jose Romasanta, chef de mission ng Philippine Team sa Rio Games, bahagi ng proseso para masigurong pasok ang atleta sa Olympics ay ang kompirmasyon na ipadadala ng International Federation ng kinaanibang sports sa Philippine Olympic Committee (POC).

Sa kasalukuyan, tanging ang International Table Tennis Federation ang nagpadala ng kompirmmasyon para kay Lariba.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“That is why I keep mum on who among our athletes are qualified,” pahayag ni Romasanta, first vice president din ng POC.

“A day after Ms. Ian (Lariba) qualified, nagpadala agad ng sulat ang IF nila about her inclusion in the Olympics,” sabi ni Romasanta. “Other than her, wala pa na ibinibigay na confirmation sa atin ang ibang IF’s about our athletes na nakapagkuwalipika na, even sa boxing at taekwondo.”

“Kahit iyung boxers natin na sina Charly (Suarez) at Rogen (Ladon), nakalagay doon na they are now part of quota places, which we wanted to clarify kaya sumulat kami with final note na please justify and confirm if they are indeed qualified or maghihintay pa tayo na matapos ang lahat ng qualifying event nila,” sambit ni Romasanta.

“Pati na din kay Kirstie Elaine (Alora), we really wanted if she indeed are now part of those athletes confirmed to compete in her category,” aniya.

“Even Eric (Cray) of athletics, wala pa din confirmation that he indeed was among to run in the 400m hurdles.”

Ipinaliwanag ni Romasanta na hanggang walang kompirmasyon sa kani-kanilang internasyona na pederasyon, nanatili na nasa balag ng alanganin ang partisipasyon ng mga naturang atleta.

Magpahangang ngayong, hindi pa rin kompirmado ng Internasyunal Weighlifting kung kwalipikado na rin sina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia. (Angie Oredo)