Naglaan ng P63-milyong pondo ang European Union (EU) para sa Support Peace-Bangsamoro project na pangangasiwaan ng United Nations Development Programme (UNDP) simula sa 2017.
Inilunsad kamakalawa ang nasabing proyekto na layuning isulong ang mga hakbanging pangkapayapaan sa Mindanao.
Saklaw ng proyekto ang sumusunod: suportahan ang capacity-building para sa mga lokal na lider at iba pang stakeholder sa public administration at parliamentary processes; palakasin ang peace-building sa Bangsamoro, kabilang ang pagtatatag ng tambalan sa mga lokal na gobyerno at civil society organization; bumuo ng mga plataporma na maghihikayat sa kabataan at kababaihan na makibahagi sa peace-building; at suportahan ang Third Party Monitoring sa pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
“We would like to keep the dialogue open to strengthen peace-building efforts even in the grassroots level. This initiative would contribute to ensuring participation of all stakeholders especially women and children in local processes, decision-making and conflict mitigation for sustainable peace,” pahayag ni EU Ambassador Franz Jessen.
“The security situation in conflict affected areas in Mindanao is potentially volatile with the non-passage of the legislation to create a Bangsamoro Autonomous Region. Peace-building efforts need to be deepened and this project will make an important contribution to the difficult but critical process of securing a lasting peace,” dagdag niya.
(Bella Gamotea)