Umani ng papuri si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa social media dahil sa kanyang taunang pagsusumite ng waiver sa Ombudsman bilang pagpapakita na wala siyang itinatagong nakaw na yaman.
Simula noong 2010, kalakip na sa inihahain ni Escudero na taunang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ang isang waiver na nagbibigay kapangyarihan sa Ombudsman na busisiin ang kanyang bank deposit.
Ayon sa batikang mamamahayag na si Inday Espina-Varona, ang dokumento na isinusumite ni Escudero sa Ombudsman ay ang tunay na waiver at hindi ang ipinapagmayabang ng ilang pulitiko na nakalagay sa malaking kartolina na pang-photo op lamang.
“This is what a waiver looks like. It is a notarized legal document and it is submitted to the Ombudsman with one’s SALN. It is for every account under one’s name, not just for accounts listed on the SALN, precisely to make it easy to check for hidden wealth,” sabi ni Espina-Varona sa kanyang Facebook account kalakip ang naturang waiver ni Escudero.
“This is Sen. Chiz Escudero’s waiver, a practice of his for years, in fairness. Check out his website. I wrote about this more than a year ago. Sen. Grace Poe has also been attaching a waiver to her SALN documents since 2013,” dagdag pa ng contributing editor/writer ng ABS CBN Integrated News & Current Affairs. (Leonel Abasola)