Alden copy

NAGSIMULA nang mag-invest si Alden Richards ng kanyang mga pinaghirapan sa pagtatrabaho. Nitong nakaraang Linggo, finally ay nakalipat na sila sa bagong five-bedroom house na ipinatayo niya para sa kanyang pamilya sa isang exclusive subdivision sa Sta. Rosa, Laguna.

Ngayong araw naman, opening na ng first investment niya, ang Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay City. Nag-franchise si Alden sa Concha’s Garden na dinarayo ng mahihilig sa Filipino dishes sa Silang, Cavite. Friend ni Alden at kapitbahay niya sa Sta. Rosa, Laguna ang may-ari ng Concha’s na sabi ay sister-in-law ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo. 

Marami ang nagtatanong kung darating daw ba ang ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza sa event, malalaman din natin. Congratulations, Alden!

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

Back to busy schedule ang binata, dahil marami pa ring offers na shows in Metro Manila and provinces. Bukas, after ng special birthday celebration ni Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga, diretso na si Alden sa Bacolod for a show.

 

At sa Sunday, May 1, muli silang magkasama ni Maine sa isang meet and greet sa isang special event ng isang brand of biscuits na ini-endorse nila, sa activity center ng Glorietta 4. Tamang-tama naman na taped na ang Sunday Pinasaya dahil gamit na ng GMA Network ang kanilang studios para sa special coverage sa national elections sa May 9.

Next week naman, magsisimula na ang shooting ng untitled solo movie nila ni Maine na co-production venture ng GMA Films at APT Entertainment, na ididirek ni Mike Tuviera. Noong isang gabi, nagkaroon na sina Alden at Maine ng look test para sa kanilang movie, na magiging special gift nila sa kanilang fans para sa kanilang first anniversary as a love team. Tatapusin muna nila ang shooting ng mga eksena rito bago sila tumuloy ng Italy dahil it will be partly shoot there. (NORA CALDERON)