CAGAYAN DE ORO CITY – Tatlo katao ang namatay, kabilang ang isang anim na taong gulang na babae, at dalawa pa ang nasugatan sa engkuwentro ng militar at ng isang grupo ng mga armadong bandido sa Bukidnon, iniulat ng militar kahapon.

Sinabi ni Capt. Joe Patrick Martinez, tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Army, na nagsimula ang labanan noong Miyerkules ng umaga sa Kaulayanan, isang malayong pamayanan sa Barangay Lirongan, Talakag, Bukidnon.

Kinilala ni Albert Bigcas, municipal officer ng Talakag, ang dalawa sa mga namatay na sina Michael Sibot, at Mary Jane Talian, 6, pawang taga-Kaulayanan.

Sinabi ni Bigcas na hindi pa nakikila ang ikatlong namatay na pinaniniwalaang kabilang sa mga armadong grupo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kinilala naman ang isa sa mga nasugatang suspek na si Rommel Talian, na tinamaan ng bala sa binti, habang ang isa pang nasugatan ay nakatakas kasama ang armadong grupo.

Ayon kay Bigcas, mahigit 100 indibidwal, kabilang ang mga babae at bata, ang lumikas sa bayan simula nang sumiklab ang labanan noong Miyerkules. Natatakot silang maipit sa labanan at sinabing magbabalik lamang sa lugar kapag umalis na roon ang militar.

Sinabi ni Martinez na nagpadala ng tropa ang militar sa Kaulayanan matapos makatanggap ng mga ulat ng presensiya ng mga armadong grupo sa nasabing pamayanan.

Nagsimula ang 10-minutong barilan nang paputukan ng armadong grupo ang mga paparating na tropa ng gobyerno.

Matapos umurong ng mga bandido, narekober ng militar sa lugar ang isang homemade improvised 12 gauge shotgun at isang homemade improvised 12 gauge pistol-type shotgun.

Inilarawan ni Col. Jesse A Alvarez, Commander ng Army 403rd Infantry Brigade, ang mga armadong grupo na “lawless elements” na ginagawang miserable ang buhay ng mga residente. (PNA)