Regine Nate Ogie copy

NATUTUNAW ang puso ni Regine Velasquez-Alcasid kapag naglalambing na ang 4-year old son niyang si Nate. Nag-post si Regine sa Instagram noong isang gabi pag-uwi niya mula sa taping ng Poor Senorita sa GMA-7. May 12:00 midnight cut-off si Regine sa taping schedule niya.

“So I came home last night tired and hungry. Nate was still awake, pagdating ko he was so happy to see me and started making kuwento. I was in a hurry to clean up so I can eat and cuddle with him and dad. Sa pagmamadali ko makaligo para makakain parang hindi ko s’ya masyadong napansin. (Ayoko kasing maglambing sa kanya na laputan pa akey.) So while eating he handed me the remote. He knows I like watching TV while eating. He asked me if we can watch Disney Channel.

“While eating and watching TV he said to me, ‘mom I love watching Disney Channel I love…’ then he mentioned the shows. Then he said, ‘I love it mommy coz it reminds me of you then I miss you.’ Then he hugged and kissed me. Nu’ng hindi pa kasi masyadong busy si Mom, we always watch Disney together. Parang natunaw talaga ako, he is just so sweet.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

“Sa totoo lang, I’m enjoying my work naman, kasi ang ganda ng show namin. But I’m having such a hard time coming to work kasi iniiwan ko si Nate. Mahirap talaga to be a working mom. Pero sa bawat pagod na nararamdaman ko, nawawala lahat pag nakita ko na s’ya and always so happy to see me. Hay, I love being a mom!

Enjoy si Regine sa pagganap niya bilang si Rita Villon sa Poor Señorita (napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras) kahit madalas na bilad siya sa araw sa taping at gumagawa ng mga bagay na hindi niya nagawa noong milyonarya pa ang character niya, tulad ng pag-aaalaga sa limang batang nag-ampon sa kanya nang maghirap siya.

Inamin ni Regine na na-miss niya ang acting after five years na hindi siya tumanggap ng anong soap at nag-concentrate muna siya sa singing.

Samantala, three years na rin pala ang lumipas simula nang umalis sa GMA Network si Ogie Olcasid kaya natuwa ito nang kunin ng Eat Bulaga bilang isa sa judges sa semi-finals ng singing contest na “Just Duet.” Nagkaroon ng chance si Ogie na i-promote ang bago niyang album na Ikaw Ang Buhay Ko na dedicated kay Regine at isang song na he composed para kina Alden Richards at Maine Mendoza. Nag-guest din siya sa Tonight With Arnold Clavio for GMA News TV, para i-promote ang kanyang album. (NORA CALDERON)