pba copy

Sariwa pa mula sa makasaysayang pagbalikwas sa nakaraang Philippine Cup finals kontra Alaska, nananatiling banta ang San Miguel Beer para sa Rain or Shine sa kabila ng hawak na 2-0 bentahe ng Painters sa kanilang best-of-5 semifinals series sa 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Tatangkaing ibalik ng Beermen ang kanilang mga natutunan at ang malalim na karanasan mula sa nasabing 0-3 pagbangon sa nakaraang finals series nila ng Aces para magamit sa tangkang pagbangon mula sa 0-2 pagkakaiwan sa series ng Elasto Painters.

Nakatakda ang Game 3 ngayon sa Philsports Arena.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“We just have to use that past comeback as a reference,” pahayag ni Alex Cabagnot na siyang nanguna sa ginawang paghabol ng Beermen mula sa 11 puntos na pagkakaiwan sa fourth quarter ng Game Two.

Nailapit nila ang iskor sa 96-98 may nalalabi pang 35 segundo sa laban ngunit kinapos ang kanilang run at nahuli ng isang segundo ang dapat sana’y game winner 3- pointer ni Marcio Lassiter.

“Mga experience na ganun ay something you could cherish and you could use in times like this,” dagdag pa ni Cabagnot.

“Hopefully we can make some adjustments that could pull off a game on Thursday,” aniya.

Inaasahan ding mapaplantsa ang gusot sa pagitan ng team at ng kanilang import na si Tyler Wilkerson na namataang nag-walkout pagkabihis matapos ang Game Two sa kanilang dugout habang nagsisisigaw na ibalik na siya sa Amerika.

Sa kabilang dako, batid ang kapasidad ng kanilang kalaban,nangako naman ang Elasto Painters na hindi sila bibigay.

“Basta di kami susuko.Gusto naming makabalik ulit sa finals,” pahayag ng beteranong big man ng ROS na si JR Quiñahan.

(Marivic Awitan)