Isinailalim ang bayan ng Pantar sa Lanao del Norte sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec).

Ang Pantar ang unang lugar na isinailalim sa kontrol ng Comelec para sa eleksiyon sa Mayo 9.

“The en banc today has declared that Pantar, Lanao del Norte is being placed under Comelec control,” sabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

“These are the implications of Comelec control...the Comelec take over the administrative control of the disbursement of public funds. Election officers will be assigned to represent the commission in these areas under Comelec control,” paliwanag niya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ito, ayon kay Guanzon, ay upang matiyak na makaboboto ang mga botante at hindi magdadalawang-isip ang mga ito dahi sa takot sa mga armadong grupo.

Kapag nasa kontrol ng Comelec, ang nasabing nasabing political unit ay direktang pangangasiwaan ng komisyon, kabilang na ang lahat ng lokal na opisyal at empleyado, gayundin ang pulisya at militar na nakatalaga sa lugar.

Ang pagsasailalim sa kontrol ng Comelec ay epektibo hanggang sa pagtatapos ng election period sa Hunyo 8, o maaaring mas maaga pa, depende sa desisyon ng commission en banc. (Leslie Ann G. Aquino)