mikee copy

HINIHIMOK ni Dr. Mikee Romero, Ph.D., na nominado ngayon bilang kinatawan ng 1Pacman party-list, ang showbiz personalities na maging aktibo sa sports activities upang maiwasan ang stress dulot ng kanilang hectic schedule.

Sinusuportahan din niya ang plano ng Department of Labor and Employment na limitahan ang working hours ng movie and TV workers sa walo hanggang 14 na oras kada araw.

“Showbiz personalities often work long hours due to tapings which can be detrimental to their health. What they need is an outlet and sports activities are the best way to revitalize their tired bodies,” pahayag ni Dr. Romero.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang suhestiyon ni Mikee Romero ay may kaugnayan sa pagpanaw nina Wenn Deramas at Francis Pasion kamakailan.

“It is a laudable plan in order to protect the health of our showbiz workers including stars, directors and cameramen,” aniya.

Pinuna niya na ang mga manggagawa sa pelikula at TV ay nagtatrabaho ng mahigit 24 na oras para matapos ang mga proyekto.

“The proposal is a win-win solution for everyone,” dagdag pa niya.

Ang 1Pacman, No. 25 sa balota, sa pamamagitan ni Dr. Romero, ay iniendorso ng iba’t ibang sports personalities tulad nina Jason Castro, Terrence Romero at James Yap.

Hangad niyang bigyang pansin ang sports, edukasyon at employment sa Congress.

Si Mikee Romero ay kilalang matagumpay na businessman at sports leader sa bansa. Itinataguyod niya ang sports sa bansa sa pamamagitan ng kanyang Globalport Batang Pier team sa PBA at Manila Sharks polo team.

Kabilang sa maraming negosyo niya ang Air Asia.