Nagpakita ng kakaibang tapang at tibay ng loob ang Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi Motors upang pabagsakin ang AMA University-Wang’s Ballclub, 86-79 , sa isang makapigil-hiningang laro kamakailan sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum.

Ang dating Adamson University standout na si Jerome Garcia ang nanguna para sa Blue Warriors, umabante sa susunod na round at pumutol sa title aspirations ng Titans sa liga na itinataguyod ng Smart, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC, Cars Unlimited at Gerry’s Grill.

Ang 5-11 na si Garcia ay umiskor ng 28 puntos, tampok ang limang triples, para sa Novaliches-based Blue Warriors nina coach Monel Kalos at owner-managers Ismael at Dr. Jennifer Alamares.

Sa kabuuan, may kartada nang 3-4 ang Lourdes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Humugot din sina Bobby Balucanag, Ivan Villanueva at Danilo Marilao ng double-digit scores para sa Blue Warriors.

Namuno sina Miguel Magpantay at Jayson Jordan para sa AMA-Wang’s sa kanilang 23 at 21 puntos, ayon sa pagkasunod.

Sa ikalawang laro, nanalo ang Macway Travel Club laban sa Emilio Aguinaldo College.

Iskor:

(Unang laro)

Lourdes-Takeshi (96) -- Garcia 28, Balucanag 18, Villanueva 17, Marilao 16, Burtonwood 4, Torrado 4, Barrera 4, Villar 3, Ordonez 2.

AMA-Wang’s (89) -- Magpantay 23, Jordan 21, Dizon 13, Alupani 12, Calma 12, Macaranas 4, Dulnoan 4, Gutierez 0, Castro 0.

Quarterscores:

25-17, 42-41, 74-61, 96-89.