Agawan sa korona sina Mark Kevin Labog at Paul Robert Evangelista habang pilit na isusukbit ni WFM Shania Mae Mendoza ang titulo sa krusyal na yugto ng 2016 National Chess Federation (NCFP) National Juniors Boy’s (Open) and Girl’s Chess Championships sa PSC Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Magkasalo sa liderato na parehong ay tig-anim na puntos sina Labog, seeded 31st, at si Evangelista, seeded 16th, matapos ang pitong round sa torneo na nakataya ang slot sa RP Team na isasabak sa World Juniors 55th Boy’s & 35th Girl’s Chess Championships sa Bhubanesbar, Odisha, India sa Agosto 7-22.

Hawak ni Labog (ELO 1981) ang No.1 silya base sa tie-break habang ikalawa si Evangelista (ELO1979). Nasa solo naman na ikatlong puwesto ang rank 17th na si Coellier Graspela (1979) na may 5.5 puntos.

Magkakasalo sa ikaapat hanggang ikasiyam na puwesto na may 5.0 puntos sina Jeth Romy Morado (2123), Melwyn Kenneth Baltazar (2179), Rhenzi Kyle Sevillano (2059), IM Paulo Bersamina, (2378), Dale Bernardo (1991) at si CM Stephen Rome Pangilinan (1928). Kinumpleto ni John Marvin Miciano (2044) ang top 10 na may 4.5 puntos.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Bitbit naman ni WFM Shania Mae Mendoza (ELO 2193) ang solong liderato sa crosstable matapos ang Round 6 sa natipon nito na 5.5 puntos. Nasa ikalawa si WFM Marie Antoinette San Diego (2109) at ikatlo si Kylen Joy Mordido na kapwa may 4,5 puntos. (Angie Oredo)