ZAMBOANGA CITY – Natagpuan na kahapon ng mga magniniyog sa Barangay Lower Sinumaaan, Pitikul, Sulu ang katawan ng Canadian na si John Ridsdel, na pinugutan ng mga bandidong Abu Sayyaf nitong Lunes.

Agad nagtungo ang mga militar sa lugar upang beripikahin ang impormasyon na ipinarating ng mga magniniyog.

Unang nadiskubre ng pulisya ang pugot na ulo ni Ridsdel, 68-anyos, dating mining executive, malapit sa isang basketball court sa panulukan ng Mayor Sali Yusah at Sari Ahmad Isnani Street sa Patikul, Sulu, dakong 7:35 ng umaga nitong Lunes.

Si Ridsdel, kasama sina Robert Hall, 50, isang Norwegian na may-ari ng resort; Kjartan Sekkingstad, 56; at ang Pinay na si Marites Flor, ay dinukot ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Samal Island noong Setyembre 21, 2015.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, nagbitiw sa puwesto si Brig. Gen. Allan Arrojado bilang commander ng 501st Infantry Brigade dahil sa umano’y hindi pagkakasundo sa istratehiya laban sa Abu Sayyaf.

Si Arrojado ay pinalitan ng isang Colonel Faustino, na graduate ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1988 bilang commander ng 501st IB. (NONOY E. LACSON)