PR Isuzu Playground  (2) (for Broom Broom BALITA copy

WOW, men! Ang tindi ng tama!

Ito ang reaksiyon ng mga pickup at SUV enthusiast na nakatikim ng kakaibang off-road adventure na inorganisa ng Isuzu Philippines Corporation (IPC) na ginanap sa SM Mall of Asia nitong Abril 21 hanggang 24.

Dinumog ng mga 4x4 vehicle lover ang tinaguriang “Isuzu 4x4 Action Playground” dahil sa makapigil-hiningang riding experience na kanilang natikman sa joy ride sa bagong Isuzu mu-X 3.0L LS-A 4x4 at D-Max 3.0L LS AT 4x4.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kahit malayo pa sa event venue, tanaw na ang malaking istruktura na 20-foot Thrill Hill na gawa sa bakal kung saan gumapang pataas at pababa ang mu-X at D-Max. At dahil sobrang matarik, ‘tila langit at lupa lamang ang natatanaw ng mga pasahero.

“We in Isuzu Philippines believe that consumers must always be supplied with such information as possible with regards to the vehicles that are available in the market,” pahayag ni Hajime Koso, pangulo ng IPC.

“This way, they can make the best and informed choices. While specification sheets and brochures may be able to supply technical information, actual experience with a particular vehicle is just as important in determining its capabilities,” dagdag ng Japanese executive.

Kapwa kargado ng 3.0-liter 4JJ1-TC (HI) diesel engine para sa mu-X 3.0 LS-A at D-Max 3.0 LS, sisiw ang pag-akyat at pagbaba ng dalawang Isuzu vehicle sa nakalululang rampa dahil mayroon ang mga itong limited slip differential (LSD) kaya hindi nadudulas kahit matarik ang aakyatin.

Sa pamamagitan ng 4x4 Terrain Command Select, mabilis na nailalagay sa four-wheel high, four-wheel low o two-wheel drive system kahit umuusad hanggang 100 kph sa pamamagitan ng pagpihit lamang ng isang knob.

Kapag nabitin sa gitna ng matarik na rampa, walang dapat ipangamba ang driver at mga pasahero dahil mayroon ang mu-X 3.0L 4x4 at D-Max 3.0L 4x4 ng Hill Start Assist upang hindi ito biglang bumulusok paatras.