Isang beses lamang papayagan na magpalit ng balota ang isang botante sa eleksiyon sa Mayo 2016, inihayag ng Commission on Elections (Comelec).

“Only one replacement ballot. After that, if it still does not work, then the voter just has to make sure that incident is recorded in the minutes of voting of the Board of Election Inspectors (BEIs),” pahayag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa isang panayam nitong Martes.

Batay sa Comelec Resolution No. 10088, “there will be no replacement ballot that shall be issued to a voter, whose ballot is rejected by the vote counting machine (VCM), except if the rejection of the ballot is not due to the fault of the voter”.

Nakasaad sa supplemental General Instructions sa mga BEI ng Comelec na sa kaso ng ballot rejection, pahihintulutan pa rin ng BEI ang botante na apat na beses na ipasok ang balota sa apat na magkakaibang orientation.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagkatapos ng apat na pagtatangka at ibinasura pa rin ang balota, ibabalik ng botante ang balota sa BEI, dagdag dito.

Kinuwestyon ito ng ilang sektor, kabilang na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting na kumbinsido na ang hakbang ay maaaring mauwi sa disenfranchisement o mapagkakaitan ng karapatang bumoto ang ilang botante.

Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi magkukulang ang balota dahil lilimitahan nila nito.

“If the ballot supply reaches a certain point, they will no longer issue replacement ballots. This will avoid the possibility of having ballot shortage,” aniya sa isang hiwalay na panayam.

Bukod sa replacement ballot, pinagtibay din ng en banc ang desisyon nito na gawing election offense ang walang kabuluhang pagreklamo ng mga botante. (BELLA GAMOTEA)