LAST week, sinulat namin na isa ang Happy Truck Happinas ng TV5 sa mga programa na binabalak tanggalin sa ere dahil bukod sa hindi nagri-rate ay sobrang laki raw ng gastos.

Marami kasi silang hosts na sinusuwelduhan at namimigay sila ng mga papremyo linggu-linggo, pero wala namang gaanong sponsors.

May nakuha kaming update na sa halip na tigbakin ay magre-reformat na lang daw ang Happy Truck Happinas at gagawin na itong comedy o gag show at ililipat na rin ng timeslot.

Hindi pa idinetalye ng source namin ang bagong timeslot ng Happy Truck Happinas pero siguradong hindi na sila game show. Parang ang layo sa dating concept.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Nalaman din namin na tinanggal ang karamihan sa production staff ng show at pinalitan ng bago na may alam sa comedy o gag show, kaya naloka ang mga nawalan ng trabaho.

Me punto rin naman dahil kung wala namang alam ang dating staff sa bagong konsepto ng programa, e, sayang lang dahil baka hindi nila ma-meet ang required format.

Hindi nabanggit sa amin kung magbabawas ng hosts lalo na ‘yung mga waley namang naitutulong sa show kundi tumayo at ngumiti at kadalasan ay bulol pa ‘pag pinagsalita.

Heto na ang nakakalokang nalaman namin, Bossing DMB -- binigyan lang ng isang buwan para mag-rate at kumita ang Happy Truck Happinas or else tuluyan nang tsutsugiin ang show.

Grabe naman kung totoo ito! Pero sa kabilang banda, tama lang na i-challenge para patunayan ng programa na kaya nila. (Reggee Bonoan)