Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang kasong graft na kinakaharap ng sinibak na acting director ng National Printing Office (NPO) na si Emmanuel Andaya, at limang iba pang opisyal ng ahensiya kaugnay ng maanomalyang pagbili ng mga travel clearance certificate (TCC) na nagkakahalaga ng P1.89 milyon noong 2010.

Bukod kay Andaya, kasama rin sa kaso sina Bids and Awards Committee (BAC) Chairman Sylvia Banda, BAC members Josefina Samson, Antonio Sillona, Bernadette Lagumen, at Ma. Gracia Enriquez.

Partikular na tinukoy ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang kasong paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) na kinakaharap ng mga akusado.

“The case emanated from the procurement of 1,000 boxes of Travel Clearance Certificates (TCC) as requested by the National Bureau of Investigation (NBI) in 2010. Andaya approved the BAC resolution resorting to emergency procurement of the TCCs at a price of P1,900 per box,” ayon sa Ombudsman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit ng Ombudsman na noong Nobyembre 30, 2010, ipinagkaloob ng mga akusado ang kontrata sa Advance Computer Forms, Inc. (Advance) na nakakuha ng pinakamababang responsive bid na P1,899.95/box para sa kabuuang contract price na P1.89 milyon.

Sinabi ng Ombudsman na pinahintulutan din ng mga akusado ang advance delivery ng TCCs bago pa man mailabas ang notice of award.

“Andaya, et al. acted with manifest partiality, evident bad faith, or gross inexcusable negligence when they awarded the contract to Advance without the benefit of a public bidding as required by the Government Procurement Reform Act. It was also established that the conditions for the resort to the alternative mode of procurement were not present to justify the absence of public bidding,” paliwanag ng anti-graft agency. (Rommel P. Tabbad)