AIGLE, Switzerland (AP) — Pinatawan ng anim na taong ‘banned’ ng International Cycling Union (ICU) si Belgian rider Femke Van Den Driessche bunsod ng paggamit niya ng bisikleta na may maliit na motor sa cyclo-cross world championships.

Ito ang kauna-unahang kaso na pinatawan ng kaparusahan ng UCI sa isyu ng “technological fraud”.

Inilarawan ni UCI president Brian Cookson ang desisyon na ‘major victory’ na aniya’y makatutulong sa kanilang programa na labanan ang anumang uri ng pandaraya sa sports.

Tatagal ang banned kay Van Den Driessche hanggang Oktubre 20, 2021. Bunsod ng desisyon, binawi sa kanya ang kampeonato sa Under-23 European championship at pinagmulta ng 20,000 Swiss francs ($20,500).

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Nauna nang ipinahayag ng 19-anyos na rider na hindi na niya sisiputin ang disciplinary hearing at magreretiro na lamang.

Sinabi ng UCI na natuklasan ng inspector ang maliit na motor sa nakakab it sa ilalim ng upuan sa paglahok ni Van Den Driessche sa world under-23 race sa Belgium noong Enero.