WASHINGTON (AFP) – Napanalunan ng bilyonaryong si Donald Trump ang lahat ng limang presidential primaries na ginanap nitong Martes, pinalakas ang paghawak niya sa karera ng Republican, habang mas lumayo pa ang distansiya ni Democrat Hillary Clinton sa karibal na si Bernie Sanders.

Tinalo ni Trump ang mga kalaban na sina Ted Cruz at John Kasich sa Connecticut, Delaware, Maryland, Pennsylvania at Rhode Island.

‘’I consider myself the presumptive nominee,’’ sabi ng real estate mogul sa mga tao sa Trump Tower sa New York. ‘’As far as I’m concerned, it’s over.’’

Sa Democratic side, napanalunan ni Clinton ang apat na karera kabilang ang battleground state ng Pennsylvania. Ngunit ipinagkait sa kanya ni Sanders ang Rhode Island.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’What a great night…Let’s go forward, let’s win the nomination, and in July let’s return as a unified party,’’ sabi ni Clinton sa mga tagasuporta sa Philadelphia, Pennsylvania.