sotto copy

Kabuuang 10 lalaki at limang babae ang napili sa Jr. NBA/WNBA All-Stars matapos ang huling araw ng cage camp nitong weekend, sa SM Mall of Asia Music Hall.

Tinanghal na Most Valubale Player si Kai Zachary Sotto ng St. Francis of Assisi sa Jr. NBA team na kinabibilangan din nina Fritz Felix Valencia at Harold Alarcon ng Taytung High School sa Bacolod City; Andrei Philip Lechoncito ng St. John’s Institute, Tracy Carl Dadang ng University of San Carlos at Ric Ozner Gatuz ng Cherished Moment School.

Kasama rin sina Jearic Nuñez ng University of Perpetual Help System-DALTA, Miguel Roy Luis Tan ng Xavier School, Julian Alfonso Jugo, at Isaiah Miguel Blanco ng La Salle Greenhills.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Binubuo naman ang Jr. WNBA All-Stars nina Florence Jill Talas at Darlene Regasajo ng Abellana National High School sa Cebu, Rozie Amatong ng Modern International Learning Center sa Davao, Aloha Marie Betanio ng Malaybalay Corpus Christi School sa Bukidnon, at Ma. Cecilia Quilenderino ng Dalig National High School sa Antipolo.

Nanguna sila sa halos 300 kabataan na nakiisa sa camp kung saan sumailalim sila sa pagsasanay at character build-up program sa pangangasiwa ng Alaska.

Pinangunahan ni 2-time NBA Champion Norris Cole at WNBA Legend Taj McWilliams-Franklin ang pagbibigay ng ayuda sa huling araw ng programa na pinangasiwaan nina Jr. NBA Coaches Craig Brown at Jeffrey Cariaso sa Don Bosco Technical Insitute Gym sa Makati City.

Matapos ang 10 araw na pagsasanay, mapapabilang ang grupo sa Jr. NBA All-Star mula sa Southeast Asia.