Nanawagan si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa gobyerno na palawakin nito ang transfer of sentenced persons agreement (TSPA) para mailipat ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nakakulong sa ibang bansa at ipagpatuloy sa Pilipinas ang kanilang nalalabing sentensiya, para mas malapit sila sa kani-kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Escudero na ang Pilipinas ay mayroon lamang tatlong bilateral TSPA na ipinatutupad sa Spain, Thailand at Hong Kong, samantalang tinatayang 10 milyong Pilipino ang nakakalat sa mahigit 190 bansa sa mundo.

“Dapat isulong ng bansa natin ang pagpasa sa mga [kasunduang] ito para sinumang Pilipino na maparusahan ng pagkabilanggo ay may option na dito i-serve ‘yung sentence malapit sa kanyang pamilya at mahal sa buhay,” wika ni Escudero sa isang panayam.

Sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang may 3,800 Pilipino ang kasalukuyang nakakulong dahil sa iba’t ibang kaso sa iba’t ibang bansa. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniulat din ng DFA na may 79 na Pinoy ang nahaharap sa parusang bitay at 41 sa kanila ay nasa Malaysia dahil sa kasong pagpatay at ilegal na droga. 

Naunang isiniwalat ni Escudero ang plano ng “Gobyernong may Puso” na maglaan ng P100 bilyon pondo para sa mga OFW, kabilang ang pagtatayo ng hiwalay na kagawaran para lamang sa kanila.

Leonel Abasola