DAGUPAN CITY, Pangasinan - Lumakas ang loob ng maraming mangingisda sa Pangasinan sa naging kasagutan ng ilang presidentiable kung paano matutugunan ang problema nila sa West Philippine Sea, na hindi na sila makapangisda dahil sa pananakot ng China.

Pinakapaborito ang naging tugon ni Senator Grace Poe, na itinuturing na anak ng Pangasinan.

Sinabi ni Poe na nakikisimpatiya siya sa problema ng mga mangingisda ng Pangasinan at Zambales, idinagdag na mahalagang madagdagan ang magpapatrulyang barko ng Philippine Coast Guard, at mabigyan ng radyo ang mga mangingisda para may tutulong sa ahensiya sa pagbibigay ng impormasyon.

Ayon naman sa katunggali niyang si Mar Roxas, tutugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at libreng edukasyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Katatawanan naman ang sagot ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na nagsabing magtutungo siya sa hangganan ng Scarborough para harapin ang mga Chinese dahil “Ambisyon ko maging hero ako. ‘Pag pinatay nila ako doon, bahala kayo umiyak dito.” (Liezle Basa Iñigo)