reyes copy

Laro ngayon

(MOA Arena)

12 n.t. -- NU vs Ateneo (m)

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

4 n.h. -- La Salle vs Ateneo (w)

Makahirit kaya ang Lady Eagles o tuluyang magdiwang ang Lady Spikers?

Walang katiyakan, ngunit siguradong makapigil-hininga ang aksiyon sa paghaharap ng dalawang pamosong koponan sa Game 2 ng UAAP Season 78 Women’s Volleyball best-of-three championship match ngayon, sa MOA Arena.

Matapos ang kanilang 25-22, 25-22 at 25-21 panalo sa Game One, nakatuon ang pansin ng Lady Spikers na tuluyang walisin ang Katipunan-based belles at maibalik ang korona sa Taft.

Gaya ng sinabi ng kanilang coach na si Ramil de Jesus, pinaghandaan ng La Salle ang nakatakdang laban upang ganap nang maisakatuparan ang kanilang misyon.

“We shouldn’t relax.Baka kasi maging over confident kami that we won’t be able to get the result that we want,” pahayag ni La Salle spiker Kim Kianna Dy, nanguna sa La Salle sa Game 1 sa 16 na puntos.

“Sabi nga ni coach,we shouldn’t be contented with that kind of play we did in Game One.Kailangan pa naming mag- improve at i-double yung effort,” dagdag ni Dy.

Sa panig naman ng Lady Eagles, sisikapin nilang buhayin ang tsansa para sa hangad nilang 3- peat sa pamamagitan ng pagtabla sa serye.

Nakatakdang tanggapin ni Lady Eagles star Alyssa Valdez ang ikalawang sunod na Most Valuable Player Award kung kaya’t inaasahang mas mataas ang kumpiyansa ng Ateneo sa pagsabak sa ganap na 4:00 ng hapon.

“We really need to loosen up as a team,” pahayag ni Valdez.”We just have to enjoy the game,play for our teammates, coaches and the people who support us,” aniya.

Mauuna rito, tatangkain ng defending champion Ateneo na tapusin na ang sariling finals series sa men’s division sa Game 2 kontra sa NU ganap na 12:00 ng tanghali.

Gaya ng mga nauna nilang laro, sasandalan ng Blue Eagles si Marck Espejo na gaya ni Valdez ay tatanggap din ng kanyang ikatlong sunod na MVP award.

“Mahirap dahil malakas yung kalaban namin,pero pipilitin namin kasi siguradong mas mahihirapan kami pag umabot ng Game Three,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro na aasahan naman para suportahan si Espejo sina Ysay Marasigan, Rex Intal, Joshua Villanueva, Karl Baysa, at setter Ish Polvorosa.

Sa kabilang dako,magkukumahog naman upang buhayin ang pag-asa ng Bulldogs sa titulo sina Rookie of the Year James Natividad, Ruben Baysac, Kim Malabunga, Madzlan Gampong, at beteranong setter na si Vince Mangulabnan.

(Marivic Awitan)