Mas malaki at mas matagumpay na edisyon ng World Slasher Cup ngayong taon ang pasisiklabin ng mga organizer sa Mayo 25 hanggang Hunyo 1.

Dalawang magkabukod na 2-cock elimination ang magaganap sa ika-26 at 27 ng Mayo na susundan ng semis sa ika-28 at 29.

Ang 4-cock pre-finals para sa mga kalahok na may dalawa, 2.5 at tatlong puntos ay nakatakda sa ika-30 at 31 ng Mayo.

Sentrong pagtatanghal naman ang 4-cock grand finals sa ika-1 ng Hunyo, kung kailan paglalabanan ang kampeonato sa pagitan ng mga undefeated entries na may 3.5 o 4 na puntos.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Ang entry fee ay nakatakda sa halagang P88,000; ang minimum bet naman sa halagang P33,000.

Katuwang sa pagtatanghal ng ikalawang edisyon ng World Slasher Cup sa taong ito ang Gamefowl Magazine, Supersabong – Bigtime Sabong sa Telebisyon, Chicken Talk, at Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo.

Sa inspirasyon ng matagumpay na pagtatanghal ng 2016 WSC-1 noong Enero at Pebrero, pinakamalaki sa kasaysayan nito, ang ikalawang edisyon ay gaganapin ng Pintakasi of Champions bilang punong-abala.

Itinuturing na Olympics ng mga sasabungin, ang pandaigdigang laban na ito ay iniisponsoran ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP.