Bumuhos ang suporta kay Valenzuela City Rep. Win Gatchalian matapos ideklara ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur”Abalos Jr. at ng Ako Bicol Party-list group na kabilang ang kongresista sa kanilang pambato sa pagkasenador sa eleksiyon sa Mayo 9.

“I am thankful to Mayor Benhur Abalos and the Ako Bicol Party-list for throwing their support behind my senatorial bid. Rest assured that I will continue my advocacies for education and good governance should I win a seat in the Senate,” pahayag ni Gatchalian, na kumakandidato sa ilalim ng Partido Galing at Puso (PGP) ng tambalang Grace Poe at Chiz Escudero.

Inendorso ni Abalos ang kandidatura ni Gatchalian sa flag-raising ceremony sa Mandaluyong City Hall nitong Lunes ng umaga.

Tumayong kinatawan ni Win Gatchalian ang kanyang nakababatang kapatid na si Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City.

National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Abalos ang mahahalagang kontribusyon ni Win sa Valenzuela City nang magsilbi itong alkalde ng siyudad ng siyam na taon simula 2004.

Sinabi ni Abalos na nasaksihan niya kung paano umunlad ang Valenzuela City bilang isang competitive highly-urbanized city na umani ng parangal hindi lang sa mga lokal na grupo kundi maging sa iba’t ibang international organization.