Rafael Nadal

MADRID (AP) — Kinasuhan ni tennis star Rafael Nadal nitong Lunes (Martes sa Manila) ang dating French minister na nag-akusa sa kanya ng doping.

Aniya, kailangan niya itong gawin para maipagtanggol ang kanyang imahe at integridad.

Ayon kay Nadal, nagsampa ng kasong “defamation” ang kanyang legal counsel sa Paris laban kay Roselyne Bachelot bunsod ng mapanira nitong pahayag sa isang panayam sa telebisyon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sinabi ni Bachelot, dating France minister for health and sport, sa TV show na Le Grand 8, na ang ang dahilan ng hindi paglalaro ni Nadal sa loob ng pitong buwan noong 2012 at dahil sa pagpositobo nito sa droga.

“Through this case, I intend not only to defend my integrity and my image as an athlete but also the values I have defended all my career,” pahayag ni Nadal.

“I also wish to avoid any public figure from making insulting or false allegations against an athlete using the media, without any evidence or foundation and to go unpunished.”

Ayon kay Nadal, sakaling manalo sa kaso ang perang ibabayad sa kanya ang ibibigya niya sa NGO o foundation sa France.

Ang naturang pahayag ni Bachelot ay ikinadismaya ni Nadal at ikinainis ng mga tagahanga ng Spaniard, gayundin ng iba pang kapwa player.