Nagdeklara na ng suporta ang leader ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na si Mark Cojuangco kay Vice President Jejomar C. Binay na kandidato sa pagkapangulo, sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Ang NPC ang itinuturing na pangalawang pinakamalaking partido pulitikal sa bansa, kasunod ng Liberal Party ng administrasyon.

Iginiit ni Cojuangco, anak ng negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco, na sa kabila ng pagkahuli ni Binay sa iba’t ibang presidential survey, nangunguna naman ang pangalawang pangulo sa lokal na survey sa Pangasinan.

“Sa resultang nakukuha ko, far and away, lamang po si VP Binay dito sa probinsiya ng Pangasinan. I am also echoing the sentiment of Pangasinenses,” pahayag ni Mark Cojuangco sa mahigit 6,000 tagasuporta na dumalo sa rally sa bayan ng Sison, nitong Lunes ng gabi.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Mayroong 1.65 milyong rehistradong botante, ang Pangasinan ay itinuturing na ikatlo sa “vote-rich provinces” sa bansa.

Binigyang halaga ni Cojuangco ang malawak na karanasan ni Binay bilang alkalde ng Makati City.

“He has dealt with barangay captains day in and day out for over 20 years. You don’t get that experience over night.

Twenty years is 20 years,” giit ni Cojuangco, na kandidato sa pagkagobernador ng Pangasinan. (Ellson A. Quismorio)