260416_canadian_hostage_01 copy

Nangako kahapon ang Pilipinas at Canada na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 68-anyos na Canadian na si John Ridsdel, na pinugutan ng Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Lunes makaraan ang pitong buwang pagkakabihag.

“Canada condemns without reservation the brutality of the hostage-takers, and this unnecessary death. This was an act of cold-blooded murder and responsibility rests squarely with the terrorist group who took him hostage,” sinabi kahapon ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Nangako ang gobyerno ng Canada na makikipagtulungan ito sa awtoridad ng Pilipinas at iba pang kaalyadong bansa sa pagtugis at pagpapanagot sa bandidong grupo.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“The government of Canada is committed to working with the government of the Philippines and international partners to pursue those responsible for this heinous act and to bring them to justice,” sabi ni Trudeau.

Sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nagpaabot na rin ang Pilipinas ng simpatya at pakikiramay sa pamilya ni Ridsdel, gayundin sa mamamayan at gobyerno ng Canada.

‘THEY WILL BEHEAD ME’

Setyembre 2015 nang dukutin ng Abu Sayyaf si Ridsdel, kasama ang kapwa Canadian na si Robert Hall, ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, at ang Pilipinang si Marites Flor, sa isang resort sa Samal Island sa Davao del Norte.

Sa unang video na in-upload ng Abu Sayyaf, humingi ang grupo ng ransom na P1 bilyon sa bawat isang bihag, kapalit ng pagpapalaya sa mga ito, at kung hindi maibibigay ang ransom hanggang sa Abril 8 ay pupugutan ang mga ito.

Sa video para sa huling palugit sa pagbabayad ng ransom na itinakda sa Abril 25, nagmakaawa si Ridsdel at sinabing, “We’re told that this is the absolute final warning. So, this is a final urgent appeal to governments, Philippines, Canadian, and families... They will behead me.”

Parehong nanindigan ang mga gobyerno ng Pilipinas at Canada sa polisiya ng mga ito na hindi magbabayad ng ransom sa Abu Sayyaf.

KATAWAN, BIGONG MATAGPUAN

Pasado 7:00 ng gabi nitong Lunes nang matagpuan ng pulisya ang ulo ni Ridsdel, na nakabalot sa plastic, matapos ihagis ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo sa mga naglalaro sa isang basketball court sa Walled City sa Patikul, Sulu.

Sinuyod ng militar ang kagubatan sa Barangay Lower Sinumaan pero bigo silang matagpuan ang katawan ni Ridsdel.

Hindi rin malinaw kung ano ang kalagayan ng tatlo pang kasamahan ni Ridsdel sa kamay ng Abu Sayyaf.

Inihayag naman ng pamunuan ng pulisya at militar na magpapatupad sila ng maximum efforts upang mailigtas ang iba pang bihag.

Tumanggi naman si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na idetalye ang ikinakasa nilang operasyon, pero tiniyak na hindi nagmamaliw ang intensified military operations sa Sulu.