Pumanaw kamakailan ang beteranong mamamahayag at matagal na naging reporter ng Balita na si Luciano “Loy” Caliwan matapos ang matagal na pakikipaglaban sa diabetes. Siya ay 69 anyos.
Isinilang sa Ormoc City noong Oktubre 31, 1946, sinimulan ni Caliwan ang kanyang media career noong 1967 nang maging photographer siya ng pahayagang The Sun. Makalipas ang tatlong taon, napabilang naman siya sa mga reporter ng DZRH.
Nag-cover din si Caliwan para sa Balita, Philippine News Agency, People’s Journal, DZAR Sunshine Radio, Pinas Newspaper, at Customs Balita.
Nakaburol siya sa St. Catherine Hall sa Veronica Funeral Homes sa Libertad, Pasay City, hanggang sa Biyernes, Abril 29. Ike-cremate at ililibing siya sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque City sa Sabado.
Inulila ni Caliwan ang asawang si Remedios at ang mga anak na sina Bhette, Theresa, Robert, Jonloy, Christopher Lloyd at Alexander John.