Ininspeksiyon kahapon ng mga kinatawan ng Land Transportation Office (LTO) at Commission on Audit (CoA) ang mahigit 300,000 bagong plaka ng sasakyan na inilipat ng Bureau of Customs (BoC) sa pangangalaga ng LTO.

Matapos ilabas sa mga container van, isa-isang idinaan sa scanner ang mga car plate upang maberipika ang bar code at iba pang security feature ng mga ito habang inilalagay sa isang secured storage bago i-deliver sa mga sangay ng LTO sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni LTO Chief Roberto Cabrera na dalawang linggo ang target ng ahensiya upang maipadala sa mga regional office ang mga plaka at mula roon ay tsaka pa lang ipamamahagi sa mga may-ari ng sasakyan.

Magugunitang nasa 300,000 pares ng LTO plate ang inilabas mula sa BoC kahit hindi pa nababayaran ang buwis na aabot sa P73 milyon.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nabatid na natengga sa South Harbor sa Maynila ang mga plaka makaraang ipatigil ng CoA ang produksiyon ng mga ito dahil sa iregularidad sa source ng budget.

Sa kasalukuyan, aabot sa 2.7 milyon ang backlog para sa mga bagong plaka sa buong bansa, ayon sa LTO. (JUN FABON)