CARACAS, Venezuela (AP) – Lunes at Martes lamang magtatrabaho ang mga public employee ng Venezuela sa pagsisikap ng bansa na malagpasan ang krisis sa elektrisidad.

Inanunsiyo ni President Nicolas Maduro nitong Martes na babawasan ng gobyerno ang oras ng paggawa ng dalawang linggo sa paglalayong makatipid sa enerhiya.

Bumaba sa minimum operating level ang tubig sa pinakamalaking dam sa bansa na nagbibigay ng elektrisidad dahil sa matinding tagtuyot. Ayon sa mga eksperto, masisisi rin dito ang kakulangan ng pagpaplano at maintenance.

Hindi naman makapaniwala ang mga Venezuelan sa balita na ang mga public worker ay halos hindi na papasok sa opisina.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina