Libu-libong pasahero ang na-stranded kahapon makaraang magkaaberya na naman ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT)-3 sa bahagi ng Quezon City. 

Dakong 5:43 ng umaga nang biglang huminto ang nasabing tren sa southbound lane ng Kamuning Station sa Quezon City.

Dahil dito, pansamantalang nilimitahan ang operasyon ng MRT, mula sa Taft Avenue sa Maynila hanggang sa Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City na nagresulta naman sa pagkaimbiyerna ng mga pasahero.

Nakabalik lang sa normal na operasyon ng MRT makalipas ang halos isang oras.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin sa publiko ang pamunuan ng MRT at nangakong gumagawa na sila ng paraan upang hindi na maulit ang insidente. (Rommel P. Tabbad)