Tiyak ng isang grupo na lulobo pa ang makukuhang suporta ni dating Justice Secretary Leila de Lima, na kumakandidato sa pagkasenador, dahil malinaw naman ang kanyang mensahe na magkaroon ng tunay na hustisya sa bansa.

Ayon sa Pilipino Movement for Transformation Leadership (PMTL), isa sa mga nagsulong sa kandidatura ni De Lima, maganda ang naging trabaho nito bilang kalihim ng Department of Justice (DoJ).

Isa sa mga ginawa ni De Lima ay pangunahan ang pagbuwag sa mga kubol sa National Bilibid Prison (NBP) na nagresulta sa pagkumpiska ng ilegal na droga, armas, pera at iba pang mga kontrabando sa Bilibid.

Ang PMTL ay binubuo ng Kabataan Party-list, Purple Ribbon, RH Movement, Ako Bikol Party-list, DIWA Party-list, at Urban Poor Alliance-Kilos Maralita.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Una nang nagpahayag ng suporta kay De Lima ang Philippine Industries, Inc. (FPI). (Leonel Abasola)