INABANGAN at tinutukan ng mamamayang Pilipino sa buong bansa ang huling paghaharap ng limang presidential candidates sa Presidential Town Hall Debate ng ABS-CBN nitong nakaraang Linggo, na pumalo sa national TV rating na 40.6%, base sa viewership survey dala ng Kantar Media. Ito ang pinakatinutukang paghaharap ng mga kandidato sa PiliPinas 2016 presidential debate series ng Commission on Elections.
Wagi ang ABS-CBN debate na ginanap sa Phinma University of Pangasinan laban sa mga katapat nitong programa, kabilang na ang 24 Oras Weekend (11.5%), Vampire Ang Daddy Ko (13.5%), Ismol Family (16.4%), at 2018 Oppo PBA Commissioner’s Cup (3.9%).
Panalo rin ito ng halos 17 puntos laban sa unang presidential debate ng GMA noong Pebrero 21, na nakakuha ng 23.8%, pati na sa pangalawang presidential debate ng TV5 noong Marso 20, na nagtala naman ng 8.5%.
Sa ABS-CBN Presidential Town Hall Debate na pinangunahan nina Karen Davila at Tony Velasquez, hinarap nina Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe, at dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang mga tanong ng bayan tungkol sa kanilang plataporma at mga paninindigan sa mahahalahang isyu sa lipunan.
Mainit ding pinag-usapan ang debate online dahil nanguna sa buong bansa at buong mundo ang official hashtag na #PilipinasDebates2016 sa listahan ng trending topics sa Twitter. Bumuhos din ang mga papuri sa ABS-CBN para sa format ng debate nito.
Ayon sa political analyst na si?@NicoleCurato sa Twitter, “Congrats @ABSCBNNews for hosting a fantastic #PiliPinasDebates2016. The vignettes were very good counterpoint to platitudes & promises.”
Pahayag naman ni @CrisostomoJake, “The questions asked were highly intellectual. Congrats ABS for a great discussion of issues.” Nag-post din si @DJBDavy ng “I have never been this active on Twitter. The last Presidential Debate is worth watching!”
Para naman kina @JewelsHRH at ?@maltiq, “The best debate so far. Congrats to ABSCBN. Great choice of Karen Davila and Tony Velasquez for moderators” at “Congrats to @ABSCBN! Your debate format tops! The Qs were spot on! Way to go for real issues!”
Ang Presidential Town Hall Debate ay inorganisa ng Comelec, KBP, ABS-CBN, at Manila Bulletin. Napanood ito ng mga Pilipino sa iba’t ibang media platform -- ABS-CBN sa free TV, ANC, the ABS-CBN News Channel Ch. 27 sa cable TV, DZMM TeleRadyo sa digital television (ABS-CBN TVplus) at SKYcable ch. 26, DZMM 630 sa AM radio, ABS-CBNmobile sa cellphones, at sa pamamagitan ng livestreaming sa news.abs-cbn.com, mb.com.ph atiwantv.com.ph.