Umabot sa mahigit P2.9 million cash rewards ang tinanggap ng sampung impormanteng sibilyan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency matapos ang flag-raising ceremony sa PDEA National Headquarters sa Quezon City kahapon.
Sa ulat ni Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. kinilang ang mga impormante base sa kailang mga codename. Nagbigay ang mga ito ng impormasyon sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkaaresto ng drug personalities sa ilalim ng PDEA Operation: Private Eye.
“The Operation ‘Private Eye’ is a citizen-based information collection program designed to encourage the active participation of private citizens to report illegal drug activities in their communities,” pahayag ni Cacdac.
(Jun Fabon)