Stephen Curry

OAKLAND, California (AP) — Kung nais ng Golden State Warriors na tuldukan ang makasaysayang kampanya sa back-to-back championship, kailangan nilang magpakatatag sa susunod na dalawang linggo na wala ang premyado at pambato nilang si Stephen Curry.

Inaasahang hindi makalalaro si Curry ng hindi bababa sa dalawang linggo matapos magtamo ng Grade 1 sprain ang MCL sa kanang tuhod.

“From our perspective, it’s relatively good news,” kumpiyansang pahayag ni general manager Bob Myers nitong Lunes (Martes sa Manila).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Clearly we don’t want to be here getting MRIs at this point of the season, especially someone of Steph’s stature. ... But mechanically the knee is intact, so that’s good.”

Ayon kay Myers, ibinatay lamang nila ang haba nang puwedeng ipahinga ni Curry sa klase ng katauhan ni Curry sa pagtanggap sa sitwasyon.

Sakaling makalusot ang Warriors sa first round laban sa Houston Rockets, sinabi ni Myers na posibleng lumaro ang Warriors sa second round na wala si Curry.

Tangan ng Golden State ang 3-1 bentahe sa Houston.

“If it’s not two weeks, don’t go crazy,” pahayag ni Myers. “If it’s before that, great. If it’s after, it’s after.”

Napinsala ang tuhod ni Curry nang madulas habang dumedepensa sa huling minuto ng second period. Sa kabila ng pagkawala ng reigning MVP, nagawang maitala ng Warriors ang playoff record 21 three-pointer tungo sa 121-94 panalo sa Game 4 nitong Linggo.

“Nobody is to blame here,” sambit ni Myers. “If you play basketball, that stuff happens unfortunately.”