BUENOS AIRES, Argentina (AP) — Inihayag ng gobyerno ng kabisera ng Argentina na hindi na ito magbibigay ng mga permit para sa malalaking electronic music festival bilang tugon sa pagkamatay ng limang indibiduwal na na-overdose sa isang party.

Sinabi ni Buenos Aires Mayor Horacio Rodriguez Larreta noong Lunes na mananatili ang hakbang hanggang sa maaprubahan ng mga mambabatas ng lungsod ang batas para maiwasan ang drug abuse sa mga ganitong uri ng pagtitipon.

Ayon sa mga awtoridad, limang katao ang namatay sa drug overdose sa Time Warp festival noong Abril 15. Apat pa ang naospital.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline