Jean Garcia - Balita - April 25 copy

MAS priority ni Jean Garcia ang kanyang apong si Athena Mori at ang kanyang bagong primetime drama series na Once Again kaysa lovelife. Inamin ni Jean na matagal na rin silang hiwalay ng naging special friend niya for three years, siguro raw nagkapaguran, pero friends pa rin sila.

Gustung-gustong ikuwento ni Jean ang unang apo sa anak na si Jennica Garcia, na after eight months ay nagbi-breastfeeding pa rin at kung naggi-guest sa TV shows ay kasama nito ang anak dahil hindi ito nagpa-pump ng milk para ilagay sa bote. Nami-miss na rin ni Jennica ang acting, pero hindi pa raw naman ito decided na bumalik sa regular shows dahil very good provider naman ang asawang si Alwyn Uytingco. Walang yaya ang mag-asawa at hands-on sila sa pag-aalaga sa anak nila. Nakita na namin na nag-post si Jean ng picture ng apo na ang gusto niyang itawag sa kanya ay Mamala (mamalola).

“Ay naku, hindi ako nakatiis sa gusto nina Alywyn at Jennica na huwag i-post ang picture ng apo ko,” kuwento ni Jean. “Pero ang ganda-ganda ng apo ko, bakit naman ipagkakait na makita siya sa Instagram account ko? Wala namang nagawa ang mag-asawa nang i-post ko, nagmamadali nila akong pinuntahan sa bahay, at naggalit-galitan man sila wala na, nai-post ko na. Happiness namin si Athena at mas naging close ang family namin dahil sa kanya. Every Thursday hanggang Sunday, naroon sila sa akin.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Samantala, kung almost two years na naging mayaman ang role ni Jean sa The Half-Sisters, sa Once Again ay first time siyang gaganap bilang masahista, mahirap lang pero lumalaban.

“First time ding wala akong ka-partner sa story, ewan ko lang kung magkakaroon ako later on, dahil ang buhay ko rito si Des, inampon ko si Janine Gutierrez noong bata pa at ayaw kong mahiwalay sa akin, at malalaman niya ang totoo kaya kahit anong gawing pahirap sa akin ng mother ko, si Chanda Romero, tinitiis ko huwag lang niyang sabihin kay Des ang totoo. Love na love ko naman si Janine na first time ko lang makakasama sa soap at inaanak ko siya sa binyag. Mahusay na artista ang inaanak ko.”

Three times a week nagti-taping si Jean, kaya may time naman siya na puntahan ang kanyang restaurant along 16-A.

Roces Avenue in Quezon City, ang Jean’s Manila na nagsi-serve ng authentic comfort food. Open daw sila every 12:00 noon to 1:00 a.m. daily. Mahuhusay at mapagkakatiwalaan daw ang kanyang mga kasama sa restaurant.

Mapapanood na simula sa Lunes, May 2, ang Once Again mula sa direksiyon ni Don Michael Perez, pagkatapos ng Poor Senorita sa GMA-7. (NORA CALDERON)