kris a copy

SINAGOT ni Kris Aquino ang mga namba-bash sa kanya sa social media dahil diumano sa paggamit niya sa government owned helicopter sa pangangampanya para kina Mar Roxas at Leni Robredo. Tatlong magkasunod na post sa Instagram (IG) ang sagot ni Kris sa haters niya.

Una niyang ipinost ang picture nila nina Josh at Bimby kasama si President Noynoy Aquino at nilagyan ng caption ng “Because we are FAMILY.”

Sinundan ‘yun nang quotation post na, “True Friends Defend You Behind Your Back” at nilagyan ng caption na “With all my heart, THANK YOU!”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang pangatlong post ni Kris ang pinaka-controversial dahil nakalagay ang rankings niya as one of Philippine’s individual taxpayers mula 2008 to 2015. Ang source ni Kris ay BIR.GOV.PH. at sila ang iku-quote namin.

“2008: #8 Top Taxpayer P25,443, 936.22

2009: #37 Top Taxpayer P12, 786, 797.52

2010: #17 Top Taxpayer P32, 309, 962

2011: #1 Top Taxpayer P49, 871,657

2012:#6 Top Taxpayer P44, 933, 335

2013: #16 Top Taxpayer P40, 481,146

2014: #6 Top Taxpayer P54, 530, 535

2015: (no ranking available) P61,741, 090

Ang total na naibayad ni Kris sa BIR mula noong 2008 hanggang 2015 ay umabot sa P322,098,558.74. Ang caption ni Kris sa post niyang ito ay “#TRUTH #HonestTaxpayer.”

May mga nakaintindi sa dahilan ng posts ni Kris pero tuloy pa rin ang bashers at tinawag pa siyang mayabang dahil ipinagmayabang daw ang ibinayad niya sa BIR. Pero parang hindi ‘yun ang intention ni Kris kundi suportahan ang nabanggit ni PNoy na nagbabayad siya ng tamang buwis.

Anyway, sa May 9 na ang election at sana nga pagkatapos ng election, matapos na rin ang bangayan ng mga magpapamilya at magkakaibigan. (NITZ MIRALLES)