Itinakda ng Department of Justice (DoJ) sa Mayo 3 ang unang araw ng pagdinig sa huling kaso ng pinaniniwalaang “tanim-bala” scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinasasangkutan ng dalawang senior citizen.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, nagpadala na ang DoJ ng liham kay Esteban Cortabista, 78, at Salvacion, 75, para dumalo sa preliminary hearing sa kasong illegal possession of ammunition na paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta ang umaayuda sa dalawang matanda. “We went to their house in Antipolo (City) last Friday to get their statements. We will prove their innocence in the hearing,” aniya.

Nabatid na noong Abril 19 ay nakuha sa shoulder bag ni Salvacion ang isang bala ng caliber 38 habang nasa departure area ng NAIA terminal 1.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Iginiit ng mag-asawa na hindi nila dala ang bala at inilagay lamang ito ng mga empleyado ng paliparan. (Beth Camia)