Nagpadala ng relief goods ang Iglesia ni Cristo (INC) sa libu-libong biktima ng malakas na lindol sa Japan, sa ilalim ng International Aid for Humanity o Lingap Program, ng sekta.

Sa pahayag mula sa INC headquarters sa Quezon City, sinabi ni Glicerio B. Santos Jr. na nagpadala na ng mga relief item ang kanilang grupo sa Kyushu island, ang may pinakamaraming naapektuhan ng 6.6 magnitude quake na tumama sa lugar nitong Abril 14.

Mahigit 50 katao ang namatay habang libong iba pa ang nasugatan sa lindol na nagpaguho sa mga gusali at tulay sa lugar.

Kabilang sa relief items na ipinadala ng INC ang bottled water, de-latang pagkain, cup noodles, biskuwit, tsaa, kape, toiletries at adult at baby diapers, at iba pa. (Chito Chavez)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!