SYDNEY (AFP) – Sinilaban ng isang politikong Australian ang isang ilog upang mapukaw ang atensiyon sa methane gas na aniya ay sumisipsip na sa tubig sa pamamagitan ng fracking, sa video na mayroon nang mahigit 2 milyong views.

Gumamit si Greens MP Jeremy Buckingham ng kitchen lighter upang silaban ang bumubulang methane sa Condamine River sa Queensland, may 220 kilometro mula sa kanluran ng Brisbane.

“Unbelievable. A river on fire. Don’t let it burn the boat,” sabi ni Buckingham, mula sa New South Wales, sa footage na ipinaskil sa Facebook nitong Biyernes ng gabi.

“Unbelievable, the most incredible thing I’ve seen. A tragedy in the Murray-Darling Basin (river system),” aniya, isinisi ito sa coal-seam gas mining, o fracking.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture