Derrick Monasterio (4) copy

NAINTINDIHAN namin si Derrick Monasterio nang sabihing unfair sa kanilang mga marunong kumanta na sila pa ang walang album, samantalang ang hindi marunong kumanta ang may album.

“Wala akong against sa mga sinasabi kong hindi marunong kumanta, pero sila ang may album, nasabi ko lang kasi nga unfair. Ako kasi, five years naghintay bago magkaroon ng album, kaya dream come true sa akin ang self-titled album ko. Kaya thankful ako sa GMA Records na tinupad nila ang matagal ko nang pangarap na magka-album,” pahayag ni Derrick.

In-assure ni Derrick ang mga bibili ng kanyang album na kung ano ang tunog ng boses niya sa album, ganoon din ang tunog nang mag-recording siya. Para patunayang nagsasabi siya ng totoo, kinanta niya ang ilang lines ng The Prayer at talaga namang buo ang tenor niyang boses.

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

Naalala naming may plano dati ang GMA-7 na gamiting theme song ang isang kanta ni Derrick sa Afternoon Prime nila ni Bea Binene na Hanggang Makita Kang Muli. Matutuloy pa kaya ‘yun? Kung matutuloy, puwede ang single na Kailangan Mo, Kailangan Ko dahil dedicated kay Bea ang song. Share sila ng pamilya ni Derrick at si Lord.

Swak ding pang-theme song ang carrier single ng album na Give Me One More Chance at maganda kung isabay sa launching ng music video ng single. Magugustuhan pa rin ng fans ang song kahit hindi si Bea ang kasama ni Derrick sa music video.

Ang gusto naming ipag-react ni Derrick ngayon ay ang blind item sa isang blog na beki siya. Pinagtawanan lang ito ng press people na nakakakilala sa singer-actor, dahil alam nilang hindi totoo. Kilala nila si Derrick mula pagkabata dahil nakikita nila ito kapag dinadalaw nila ang kanyang inang si Tina Monasterio noong active pa ito sa showbiz.

Alam na namin ang magiging reaction ni Derrick sa tsismis, isang malakas na “HAHAHAHA!!!” (Nitz Miralles)