SINA Demi Lovato at Nick Jonas ang pinakahuling performers na nagkansela ng kanilang tour dates sa North Carolina bilang protesta sa anti-LGBT HB2 law.
Inihayag ito nina Lovato at Jonas sa social media nitong nakaraang Lunes, at ipinaalam sa kanilang mga tagahanga na hindi matutuloy ang kanilang tour.
“One of our goals for the tour has always been to create an atmosphere where every single attendee feels equal, included, and accepted for who they are,” pahayag nina Lovato at Jonas sa kani-kanilang Instagram page.
Sinundan nina Lovato at Jonas sa pagkansela ng tour dates sa North Carolina sina Bruce Springsteen at Ringo Starr matapos lagdaan ang HB2 – na nag-aatas sa mga transgender na pasukin ang mga palikurang naaayon sa nakasaad sa kanilang birth certificate — nitong Marso 23.
Matatandaang kinansela rin ng Cirque du Soleil ang pagtatanghal sa Greensboro, Charlotte at Raleigh, at ipinagpatuloy naman ng Mumford and Sons ang kanilang pagtatanghal sa Charlotte nitong nakaraang linggo, ngunit inihandog nila ang kanilang kinita sa LGBTQ charity.
“North Carolina’s discriminatory HB2 law is extremely disappointing, and it takes away some of the LGBT community’s most basic rights and protections,” saad pa sa pahayag nina Lovato at Jonas. “But we will not allow this to stop us from continuing to make progress for equality and acceptance.”
“We know the cancellation of these shows is disappointing to our fans, but we trust that you will stand united with us against this hateful law.”
Nag-isyu ng statement ang GLAAD President at CEO na si Sarah Kate Ellis bilang sagot sa pahayag ng mga singer at sinabing, “Demi Lovato and Nick Jonas continue to be fearless advocates for LGBT equality and acceptance. By taking a firm stand against North Carolina’s discriminatory HB2 law, they’re sending a clear message to fans and lawmakers alike: hate should never be tolerated.” (ET Online)