Sisimulan ng Beijing ang konstruksiyon sa isang islet sa South China Sea na nasa loob ng inaangking exclusive economic zone ng Pilipinas sa taong ito, upang ipakita ang kapangyarihan nito sa mga pinagtatalunang tubig, iniulat ng Hong Kong media kahapon.

Magtatayo ang China ng outpost sa Scarborough Shoal, may 230 kilometro ang layo mula sa baybayin ng Pilipinas, ulat ng South China Morning Post, binanggit ang isang hindi pinangalanang impormante mula sa People's Liberation Army.

Inaangkin ng Beijing ang halos lahat ng mahahalagang bahagi ng karagatan, sa kabila ng mga pag-aangkin din dito ng iba pang katabing bansa sa Southeast Asia, at nitong mga nakalipas na buwan ay ginawang artipisyal na isla ang mga pinagtatalunang bahura, na ang ilan ay tinayuan nito ng airstrip.

Inaangkin ng Pilipinas ang Scarborough Shoal, ngunit inagaw ng China ang kontrol dito noong 2012, matapos iposisyon ang mga barko nito sa lugar at itinaboy ang mga mangingisdang Pilipino, kasunod ng dalawang buwang stand-off sa Philippine Navy.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon sa SCMP, sinabi ng source na sa pamamagitan ng outpost mapi-“perfect” ng Beijing ang air coverage nito sa South China Sea, nagpapahiwatig na nagbabalak itong magtayo airstrip.

Lumabas ang ulat bago ang inaasahang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague sa mga susunod na buwan, sa kasong idinulog ng Pilipinas kaugnay sa South China Sea. (AFP)