Dapat na kuhanin ng gobyerno ang serbisyo ng mga “bored” na hacker para gawing “cyber-commandos” na magbabantay sa mga website ng mga ahensiya ng gobyerno upang maprotektahan ang bansa laban sa mga tunay na cybercriminal.

Ito ang apela ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kasunod ng pagdakip kay Paul Biteng, ang 23-anyos na information technology (IT) fresh graduate na nag-hack sa website ng Commission on Elections (Comelec) noong nakaraang buwan.

Napaulat na inamin ni Biteng ang krimen at sinabing ginawa niya lang ito dahil sa matinding pagkabagot. Nasa kostudiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Biteng.

Sinabi ni Recto na dapat na apurahin ng executive department ang pagbuo sa National Cyber-Security Plan ng bansa at kuhanin ang serbisyo ng mga Pinoy IT expert na tulad ni Biteng bilang cyber-commandos nang hindi nasasayang ang husay ng mga ito.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Si Recto ang pangunahing may akda ng panukalang inaprubahan ng Kongreso na magtatatag sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

“We would just waste the talents of these young people if they would just go to jail,” ani Recto. “An idle mind is the Devil’s workshop and idle hands his tool. Let us put the mind and the hands of the Filipino hackers to good use through the DICT.” (Hannah L. Torregoza)