Patuloy ang pamamayagpag ng Adamson Soaring Falcons, Jose Rizal University-A Heavy Bombers, Arellano University Chiefs at reigning Palaro champion San Beda sa pagpapatuloy ng 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament sa St. Placid gym ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Sa pangunguna nina Rob Manalang at Dawn Ochea, ginapi ng Soaring Falcons ang JRU-B Heavy Bombers, 92-66, para sa ikaapat na sunod na panalo sa Group A.

Bunsod nito, lumapit ang San Marcelino-based dribblers sa pagsungkit sa quarterfinals berth.

Hataw naman sa naiskor na 29 puntos si Paolo Pontejos sa panalo ng Heavy Bombers kontra San Beda Red Lions, 77-72.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Umusad ang Heavy Bombers sa 2-1 karta sa Group B. Nauna nilang ginapi ang Emilio Aguinaldo College Generals, 61-60.

Ratsada naman sa Chiefs sina Reyniel Viloria at Jiovani Jalalon na may tig-14 puntos tungo sa 81-75 panalo kontra JRU-B, para sa 2-1 karta sa Group A.

Sa iba pang laro, nanguna si Eunique Chan na may 13 puntos sa University of the East kontra Enderun, 52-35, sa women’s division.

Sa junior side, hataw si John Lagumen sa nakubrang 12 puntos para sandigan ang San Beda-A Red Cubs kontra Hope in Hoops, 81-72.

Nanguna naman si Albert Bordeos na may 14 puntos sa panalo ng San Beda-B kontra Letran, 60-56.